STOP NOW! So everyone will.
It is not our differences that divides us. It is our inability to recognize, accept, and celebrate those differences.
Audre Lorde

Kapag nababasa o naririnig ko ang salitang diskriminasyon, naiisip ko agad ang bullying. Because for me, it’s a form of bullying. Pero ano nga ba ang definition neto? Based on google ang diskriminasyon ay “The unfair or prejudicial treatment of people and groups based on characteristics such as race, gender, age or sexual orientation”. Sa madaling sabi, panghuhusga. Panlalait sa taong sa tingin mo naiiba dahil sa kulay ng balat, gender identity nila, pinanggalingan, at kahit estado sa buhay.
Aabot tayo ng siyam-siyam kung ipapaliwag ko pa ang maraming anyo ng diskriminasyon. Nasayang na nga ang oras natin, wala pa tayong makabuluhan na nagawa o nalaman. Kaya ang tatalakayin nalang natin ay ang mga paraan na maaaring gawin ng mga kapwa natin estudyante upang hindi maapektuhan ng diskriminasyon.
Solusyon Diskriminasyon
Focus on your STRENGTHS

SEEK support system

Get INVOLVED

Let them KNOW

Orientation ang naiisip kong paraan para rito. Kada eskwelahan ay maglalaan ng oras upang maipaliwanag ito sa mga estudyante. Mas mainam rin ang program para hindi ma bored ang mga mag-aaral. Ngunit dahil pandemic, mas maganda ang paggamit ng social media para magpalaganap ng kaalaman ukol dito.
Start with yourself

